Iglesia ni Cristo member Anthony Taberna defends Catholic rights in morning show segment

30 Jan

celdranpollquestionukg

Here’s the transcript from INC member Anthony Taberna segment “Punto por Punto” on the morning show, “Umagang Kay Ganda”:

Mga kaibigan, nakaka-bilib po si Carlos Celdran. Siya lang po ang may lakas ng loob at tapang na gawin ang mapangahas na bagay na di kayang gawin ng iba. Ehemplo po siya ng isang tunay na Pilipino. Ang kaniyang ingina-ngawa kaya niyang tapatan ng gawa. Pinatingkad po ni Celdran ang tunay na kahulugan ng “kalayaan sa pagpapahayag at pagsasalita” na ikaw, bilang mamamayan ng bansang demokratiko ay may karapatan dumaing, mag-labas ng hinaing, manuligsa. At lalo po’ng naging mahalaga ang pantindig ni Carlos Celdran dahil ang isyu po’ng kaniyang tinayuan ay Reproductive Health na kailangan ng bayan ngunit mariing tinutulan ng Simbahan.

Ngunit hindi po absoluto ang alin mang kalayaan at karapatang ibinigay ng Konstitusyon sa mga mamamayan. Kapagka po ang karapatan ng sinuman ay tuwiran ng nakakayapak o nakakasagasa sa karapatan ng iba, dapat ay mag-isip-isip na siya. Hindi pupuwedeng sabihin ng isang residenteng mahilig kumanta na karapatan po niyang mag-videoke hanggang madaling-araw ng ubod ng lakas gamit ang trompa kung nakaka-bulahaw na po siya sa mga natutulog na kapitbahay.

Karapatan po ni Celdran ang tuligsain ng walang-puknat ang Simbahan. Eh lalo na po ngayon na andami na po’ng nagtu-Twitter o Facebook o di kaya’y sa pamamagitan ng rally sa labas ng simbahan. Ngunit, eh iyon po’ng ginawa niya, na ginulo ang isang… hindi man po iyan misa, pero isa pong seremoniya sa loob mismo ng simbahan na sagrado po sa manananampalataya eh ibang usapan na yata iyan kabarkada.

May kalayaan din po ang Simbahan sa isang mapayapa at matahimik na pag-samba. Mabuti po at idinaan sa legal na proseso ang kaso ni Celdran at simbolikal lang po naman ang sentensiya kung tutuusin dahil hindi naman po siya makukulong dahil meron po tayong pamantayan tungk… o panuntunan tungkol sa probation. Ang mas mahalaga, sana po’y matuto ang bawat isa: galit man tayo kay Damaso, huwag mo’ng gayahin ang diskarteng ito.

The video to the whole Punto por Punto segment is here:

 

Advertisements

2 Responses to “Iglesia ni Cristo member Anthony Taberna defends Catholic rights in morning show segment”

  1. duani November 4, 2013 at 8:13 AM #

    There is no absolute freedom- freedom would have to consider others not to distract them..

  2. mayleen September 14, 2015 at 11:28 AM #

    bakit sa isyu ng INC scandal, tikom ang bibig ni ka tunying? parang nilamon ni ka tunying lahat ng niluwa niya. mafia ba ang INC?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: